Advertisers

Advertisers

EROPLANO NG PAF BUMAGSAK: 2 SAKAY LIGTAS

0 3

Advertisers

MASUWERTENG nakaligtas ang dalawang tauhan ng Philippine Air Force (PAF) nang bumagsak ang kanilang sinasakyang erop-lano sa Mt. Sto. Tomas sa Sitio Cabuyao, Barangay Pob-lacion, Tuba, Benguet, Miyerkoles ng umaga, Mayo 20.
Ayon sa ulat, nangyari ang insidente 10:20 ng umaga nguni’t nai-report lamang sa mga awtoridad 11:40 ng tang-hali.
Ang bumagsak na aircraft ay may tail number na 10-39, ayon kay Lt. Col. Roy Calulot, tagapagsalita ng Benguet Police.
Isa sa mga sugatan ay kinilalang si First Lt. Ruth Pasos, habang hindi pa inilalabas ng mga awtoridad ang pangalan ng isa pang crew member na isang lalaking airman.
Natagpuan ang dalawang crew na walang malay. Agad silang binigyan ng paunang lunas bago isinugod sa pagamutan. (Mark Obleada)