Advertisers

Advertisers

Elia Llano Lead Star sa International Short Film na Violet

0 158

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NU’NG una naming mapanood ang young actress na si Elia Llano sa musical play na Maria Goretti, mula sa PhilStagers Foundation, na siya ang nasa title role, ay napahanga niya na kami. Napakahusay niya rito. Hindi nagkamali si Atty. Vince Tanada na siya ang kinuha bilang Maria Goretti.

Muli na namang magpapakitang gilas sa pag-arte si Elia sa isa na namang musical play this July/August titled Rizal 3000. Gaganap siya rito bilang partner ni Peter Parker Tanada.

Samantala, may upcoming short film,na internationally produced si Elia mula sa dalawang non-profit organization from Netherlands. Ang title ay Violet na siya ang lead star. Isa itong heavy drama.

Tungkol ito sa isang batang babae na tahimik na tinitiis ang karahasan ng kanyang ama.

Sina Nadine Lustre, Nora Aunor, Jacklyn Jose at Vilma Santos ang mga paboritong local actress ni Elia. Sina Mon Confiado at Albert Martinez naman ang kanyang mga paboritong aktor.

Pangarap niya na makatrabaho ang mga ito. Pero sina Nora at Jacklyn ay malabo nang makasama niya sa isang proyekto, dahil nga sumakabilang buhay na ang dalawang veteran at award-winning actress.
***
NATUKOY na ng kampo ni Nico Locco ang pangalan at kinaroroonan ng babaeng nag-video ng kanilang pagtatalik.

Nakipag-ugnayan na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang aktor kaugnay ng pagkalat ng kanyang private video na kinunan nang palihim para pagkakitaan umano ng isang sindikato.

Kuwento ng hunk actor, wala na raw sa Manila ang babaeng nag-video sa kanya na pinaniniwalaang nagtatago na ngayon matapos maglabasan ang sex video scandal ng mga male celebrities.

“Pumunta ako sa NBI. We found out the girl’s real name. We located her. We found her name, we found where she is. She is not in Manila, she’s outside of Manila. She’s in hiding yata.

“We know where she is pero walang action after that, and the reason is if mag-a-action kami, there needs to be more than me behind the action.

“The other victims should be involved as well kasi hindi masyadong malakas yung case if it’s just me,” pahayag ni Nico.