Advertisers

Advertisers

Erwan at Ryan pinagkukumpara

0 2

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Talk of the town ng mga katkatera at sawsawera ang guesting ng chef at socmed influencer na si Erwan Heusaff sa show ni Matteo Guidicelli sa Bilyonaryo Channel kamakailan.

Naurot kasi ang mister ni Anne Curtis kung ano ang reaksyon nito kapag may kissing o love scenes ang wifey o ipina-partner ang TV host-actress sa iba’t-ibang lalake sa mga proyekto nito.

Ani Erwan, hindi raw siya nagseselos sa misis dahil tanggap niyang artista ito bago pa man niya ito napangasawa.

Hindi rin daw siya insecure sa achievements nito.

Katunayan, chill lang daw siyang pinapanood ang mga maseselang eksena nito.

Hirit pa niya, nakakaramdam lang daw siya ng awkwardness kapag inaabangan ng publiko ang reaksyon niya sa mga kissing o love scenes ni Anne.

Kaya naman, sa block screening ng latest movie raw ni Anne with Jericho ay nagbilin siya sa kanyang staff na huwag siyang titingnan para basahin ang reaksyon dahil baka sisantehin niya ang mga ito.

Ikinukumpara naman ng mga katkatera at sawsawera ang pagiging cool ni Erwan sa sagot ni Ryan Agoncillo nang una itong mag-guest sa show ni Matteo.

May halong pagbabanta kasi ang tugon ng huling “Subukan niya” nang mausisa ito hinggil sa pagpayag nito sa pagkakaroon ng leading man ng esmi sa pagbabalik-showbiz nito.

Hirit ng mga nagmamaldita, mas secure raw at open-minded si Erwan sa kabiyak kumpara kay Ryan.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“What a fine man! Men like that should be emulated hahahaha supportive of everyone because he’s secure!”

“It shows na mas secure si Erwan kay Ryan pagdating sa esmi.”

“Erwan is really open-minded. That’s why Anne is lucky to have him.”

“I hope Ryan is watching.”

“You might not know, but Juday can be really jealous too.We’re not privy to their marital dynamics.”

“Ryan Agoncillo could honestly learn a thing or two from Erwan. That’s the kind of confidence and security a partner should have.”

“Lakas maka dream guy ni Erwan talaga. Confident and creative, tapos pogi pa huhu”