Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
NAPAPAKINGGAN na ang latest summer song ng Jorge siblings na pinamagatang “Perfect Summer.”
Ginanap ang launching nito sa isang espesyal na event sa The Vibe, last May 15.
Ang Jorge Siblings ay binubuo nina Gello Jorge, Neo Jorge, Mca Jorge, Evo Jorge, at Kryzl Jorge.
Ang Perfect Summer ay isang masaya at upbeat na kanta na nilikha upang maipakita ang excitement at good vibes ng summer season, na maaaring magsilbing sound track para sa mga bakasyon, outings, at summer getaways.
Ayon sa Jorge Siblings, ginawa ang kanta bilang suporta sa musical passion ng kanilang bunsong kapatid na si Kryzl Jorge, na nakapaglabas na ng walong original songs sa murang edad.
After ng nasabing official launching, available na ito sa social media platforms ng Jorge siblings at mapapakinggan din sa YouTube, Spotify at Apple Music.
Kasabay nito ay ipinakita rin ng magkakapatid ang kanilang bagong billboard sa Commonwealth Avenue bilang bahagi ng promotion at sa kanilang brand na Purple Hearts.
Magkakaroon din ng online challenge kung saan bibigyan ng pagkakataon ang kanilang online community na manalo ng Purple Hearts mini luggages at iba pang produkto.
Maaaring sumali sa pamamagitan ng paggamit ng Perfect Summer sa kanilang summer getaway videos o pagsali sa official dance craze challenge alinsunod sa mechanics na ipo-post sa kanilang social media pages.
Dito ay ibinahagi rin ng Jorge Siblings na naghahanda sila ng mga espesyal na performances at charitable activities bilang bahagi ng nalalapit na ika-10 kaarawan ni Kryzl Jorge.
Sa naturang launching ay nabanggit na patuloy namang binabalanse ng magkakapatid ang kanilang mga tungkulin bilang entrepreneurs at students, habang aktibo nilang pinapalawak at ipino-promote ang kanilang brand na Purple Hearts.