Advertisers
HAWAK na ng mga awtoridad sa milyong halaga ng droga si alyas Amir, 39-anyos umano’y “drug boss” at 2 kasabwat nito na sina “Sohaule”, 43 anyos at “Naofil” 26-anyos kapwa ng Brgy., Dolores Taytay Rizal.
Sa ulat ng pulisya, 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000.00 o P3.4-milyon ang nasamsam sa mga suspek dakong 4:35 ng hapon sa nabanggit na lugar.
Sa listahan ng PDEA-Calabarzon4A ang 3 naaresto ay mga high-value indibidwal at sumalang sa ilang linggong surveillance bago na timbog.
Isinagawa ang transaksyon o anti-illegal drugs operation sa rooftop ng barking area sa isang mall sa lugar.
Narekober din sa 3 suspek ang dalawang sasakyan tulad ng Toyota Vios at Toyota Avanza, cellphone na pinaniniwalaang gamit ng mga suspek sa illegal na operasyon sa droga. (Edwin Moreno)