Advertisers

Advertisers

DSWD: AICS, bukas na sa lahat ng indibidwal

0 6

Advertisers

INIHAYAG ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bukas na para sa lahat ng indibidwal ang programang Assistance to Individual in Crisis Situations (AICS).

Sinabi ni DSWD Crisis Intervention Program Director Edwin Morata, walang pinipiling estado ang “shocks” o hindi mga inaasahang pangyayari sa gitna ng mga sakuna o energy emergencies dahil mahirap man o mayaman, low-income earner o middle class, may trabaho o wala ay apektado nito.

Kaugnay nito, patuloy aniyang pinapahusay pa ng DSWD ang mga panuntunan ng programa para matugunan ang mga pangangailangan ng iba’t ibang kliyente.



Saad pa ng DSWD official, mas pinadali na rin ang proseso ng aplikasyon para sa AICS, kung saan kailangan na lamang ng mga kliyente o benepisyaryo na sumailalim sa tatlong proseso gaya ng pagpila, assessment at interview, at ang paglabas ng assistance.

Nagbabala naman ang ahensiya sa mga nagpaplanong makipag-transaksiyon sa mga fixer at magsumite ng mga pekeng dokumento para iligal na makakuha ng cash aid. Ito ay matapos na masampahan na ng kaso ang dalawang indibidwal na nahuling nag-claim ng AICS assistance ng makailang beses gamit ang iba’t ibang pagkakilanlan.



Sa ilalim ng AICS program, maaaring makapag-avail ang mga benepisyaryo ng assistance para sa medical, burial, transportation, education, food o iba pang tulong pinansiyal.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">