Advertisers
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang acting secretary ng Department of Labor and Employment (DOLE) si dating Sen. Francis Tolentino.
Ayon sa Malacañang, buo ang tiwala ng Pangulo na magagampanan ni Tolentino ang mahahalagang tungkulin sa ahensya dahil sa kanyang malawak na karanasan sa serbisyo publiko.
Kinilala rin ng administrasyon ang naging karanasan ni Tolentino sa pamahalaan, mula sa lokal hanggang pambansang antas, na inaasahang makatutulong sa pagpapatupad ng mga programa para sa mga manggagawang Pilipino.
Inaasahan ding pagtutuunan ng pansin ng bagong kalihim ang mga usapin kaugnay ng trabaho, karapatan ng manggagawa, at pagpapalawak ng oportunidad sa hanapbuhay sa bansa.
Habang isinusulat ito, nakatakda namang manumpa si Tolentino bilang bagong acting secretary ng DOLE sa harap ni Pangulong Marcos.
Samantala, umaasa ang labor sector na sa ilalim ng pamumuno ni Tolentino ay lalo pang mapapalakas ang mga programa at serbisyong inilaan para sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)