Advertisers
HAHATAW na ang ligang mag-aangat pa sa kalidad ng larangan ng baseball sa bansa- ang 2026 Liga Baseball Philippines Season 2 ‘Celebrity Cup’ sa araw mismo ng Kalayaan ( Hunyo 12) sa Marcelino Stadium, Taguig City.
Ayon kay LBP Chairman Wopsy Zamora, ang naturang liga ay tunay na naiiba sa mga palarong baseball sa buong kapuluan dahil dito masasaksihan ang de kalidad na kumpetisyon na lalahukan ng mga best and brightest players par excellence kung saan lahat sila ay mga itinuturing na star at celebrity in their own right.
“Tinagurian natin itong ‘Celebrity Cup’ dahil ang ating mga manlalaro ay pawang cream of the crop sa larangan kung kaya malakas ang hatak nila upang panoorin ng fans ang star-studded games na sa unang pagkakataon ay ilalaro sa gabi kaya tiyak na huhugos sa stadium ang baseball fans partikular ng mga taga- Taguig, “ wika ni Zamora.
Bukod sa celebrity players , pagniningningin naman ng pagdalo ng mga celebrities mula showbusiness, business sector, sports leaders and legends at mga public servants na pawang baseball enthusiasts pati na rich and famous sa alta sosyedad.
Mga pamosong powerhouse teams ang mag-aagawan para sa prestihiyosong torneo.
Ang 3-peat UAAP champion National University Bulldogs at arch- rival DLSU Green Batters ay patitindihin ang kanilang rivalry sa LBP na lalahukan din na Ateneo at UST pati na ang team to beat na ‘26 KBA Stars na pagma- may-ari ni Japanese national Philippine -based Keiji Katayama( Katayama Baseball Academy). Hahataw din ang host Taguig IX, Dawgs Baseball Club Philippine Air Force atbp.
Katuwang ni Wopsy sa Organizing Committee si LBP President Jose Pepe Munoz at Director General Ping Remollo.
Walang iba kundi ang star celebrity ng Taguig na si Mayora Lani Cayetano ang siyang pupukol ng ceremonial first pitch.
Kaya sa Hunyo 12 ay malayang magbabakbakan sa diamond ang tampok na koponang mapipili sa draw lots ng liga partikular ang buwenamanong salpukan sa LBP Season 2 , 2026. Payanig ng liga sa Taguig, HATAW NA!
Lowcut – Ngayon na ang victory party ng 3- peat UAAP Men’s Baseball Champion National University ( NU) Bulldogs . Walang iba kundi si bossing Hans Sy ang magpaparangal sa kampeong bataan ni Wopsy. Ganyan kahusay ang sports program ng NU partikular sa UAAP. Kaya pugay sa kampeong Bulldogs.. you are really in good HANS!