Advertisers

Advertisers

DOJ, tikom sa posibleng paglalabas ng mga bagong ICC arrest warrant

0 7

Advertisers

TUMANGGING magbigay ng pahayag ang Department of Justice (DOJ) hinggil sa posibleng paglalabas ng panibagong arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

Ito ay matapos sabihin ni National Bureau of Investigation Director Atty. Melvin Matibag na may natanggap umano silang impormasyon ukol sa karagdagang personalidad na iisyuhan ng ICC ng arrest warrant.

Sinabi ni DOJ Secretary Eric Vida, ayaw muna niyang magsalita ukol dito lalo’t ayaw niya ng ispekulasyon.



Sa kabila nito, tiniyak ng kalihim na handa silang muling atasan ang mga law enforcement agencies na ipatupad ang anumang warrant mula sa ICC.

Sa ngayon, patuloy na tinutugis ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) si Sen. Bato Dela Rosa na itinuturing na nilang pugante.



Habang kasama naman ni Bato na tinukoy ng ICC bilang co-perpetrators o kasabwat niyang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa paglulunsad ng war on drugs ng nakaraang administrasyon sina Sen. Bong Go, dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at dating PNP Chief Oscar Albayalde.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">