Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
ANG talented young actress at binansagang Star of the New Gen na si Jillian Ward, ang isa sa bagong hurado The Clash Teens ng GMA 7.
Sa tanong kay Jillian kung gaano siya ka-excited sa bagong role sa kanyang career this time, bilang isa namang hurado ng all-original Fipipino singing competition, ang sagot niya,”Ako, I’m very very excited talaga. First time kong magdya-judge. And ako kasi, ang binabantayan ko rito kung paano nila (clashers)ie-express ang mga sarili nila, kung paano nila gagawin ‘yung pag-i-story telling onstage.
“Ang sobrang nakaka-excite kada may bagong clasher na papasok, kasi iba-iba ‘yung mga kwento na ipinapakita nila on stage.
“Ako naman,para nila akong ate. Kasi, I mean, I started very young. So alam ko ‘yung struggles ng pagiging child star tapos teen ager.
“Mostly kasi di ba, kapag teen ager tayo, nandiyan ‘yung self-doubts?
“Yun din talaga ang maio-offer ko sa kanila, kung paano nila i-build ‘yung mga confidence nila at maging proud sila sa mga sarili nila,”aniya pa
Samantala, dahil hindi na nga child star si Jillian, isa na siyang dalaga,ready na ba siyang magkaroon ng boyfriend?
Tugon ni Jillian, “Alam ninyo po, I think puwede naman po siguro, no? Twenty-one na po ako. Puwede na po siguro.
“Actually, yung mama’t papa ko po, open na po sila. Hindi naman po ako in my 20s forever. So, gusto ko rin po ma-enjoy yung pagiging young ko, yung pagiging 21 ko.
“Yes! I’m open naman po na maging happy na kiligin. Sana ano…tanggapin niyo yun!” ang natawang pagpapakatotoo pang sabi ni Jillian.
Magsisimula na ang The Clash Teens sa June 7, Sunday, sa GMA 7 directed by Louie Ignacio and hosted by Julie Anne San Jose and Rayver Cruz.