Advertisers

Advertisers

INAH EVANS IN “THE BAKLANG KANAL SHOW LIVE”!

0 16

Advertisers

By Rommel Gonzales

Unang major solo concert ni Inah Evans ang magaganap sa July 10 sa Music Museum na pinamagatang The Baklang Kanal Show Live! Na produced ng Happy Events by Deegee Inc.

“Yung The Baklang Kanal Show kasi, yun ang vlog ko.

“So, ever since naman kasi, lagi akong tinatawag na baklang kanal, that’s my moniker.

“So, inangkin ko na talaga yan simula pa nung bata ako.”

Isang kaibigan niya ang nagbansag sa kanya bilang “baklang kanal.”

“Patay na siya ngayon, sayang, si Miguel Ruiz. He’s a very handsome guy na friend ko.

“Parang bago pa lang noon ang BGC. Palagi silang gumigimik doon.

“Tapos lagi akong nagsasabi sa kanya na, ‘Dalhin mo naman ako doon minsan.’

“Sabi niya, ‘Sobrang kanal mo, hindi ka bagay doon!’

“Hindi naman niya mini-mean yung ‘baklang kanal’ as derogatory.

“Pero, parang sinasabi niya na sobrang loud ko nung bata pa ako, as in wala talaga akong manners, social manners at all.

“Nung narinig ko yun, sabi ko, ‘Dapat yung term na ito, puwede kong gamitin to my advantage.’

“Ganun talaga ako growing up, everything na ibinabato sa akin, mga insecurity, ginagamit ko talaga as stepping stone.

“Kaya yung baklang kanal, nire-redefine ko lang na it’s something unapologetic, loud, real, raw and iyon naman kasi talaga ako.”

Mahusay at sikat na comedian si Inah pero very humble niyang sinabi na…

“Parang hanggang ngayon naman, hindi ko pa po nadi-discover. Laging yung mga tao ang nakaka-discover.

“Siguro, parang naturally funny lang ako. Lagi kong napapansin na meron akong ability to make people happy.

“Elementary pa lang, jester na ako. Yung parang kapag walang teacher, pupunta ako sa harap. “Gusto ko talaga palaging nagpapatawa.

“Sa araw-araw, siya yung escape ko before, kasi sobrang kanal talaga ng buhay namin. Parang ayokong laging nasa bahay dahil sobrang squatter namin dati.

“Feeling ko, para lagi akong may kasama, para ako ma-belong to certain people o kapitbahay, dapat funny ako.”

Masaya na at nakakaangat na sa buhay ngayon, pero hindi biro ang hirap na pinagdaanan ni Inah noong hindi pa siya artista.

“Sa totoo lang, yung bahay namin dati nung bata pa ako, nasa gilid talaga kami ng kanal.

“Malungkot din po talaga ang buhay ko growing up kasi nasa barong-barong kami, walang kuryente, walang ilaw.

“Nakaalis lang po kami sa barong-barong nung nag-call center na ako noong college pero hindi rin po ako nag-graduate ng I.T. course ng college kasi nagtrabaho na po ako.

“Dati po kasi, yung kaming magkapatid, may blackboard ako dun sa barong-barong, so magdo-drawing ako. Kinukuwentuhan ko palagi yung kapatid ko.

“Parang TV namin yung blackboard. Ine-entertain ko lang yung kapatid ko.

“Lagi kong iniisip, makakaalis pa kaya kami dito kasi sobrang hirap talaga, as in hindi kami nakakakain ng tatlong beses.

“Papasok kami nang lukot yung damit, hindi nakakaligo. Tapos yung nanay ko, nag-iigib ng tubig sa bumbero.

“Kapag lumalaki ka sa ganoong klase ng environment, feeling mo, wala ka nang labas.”

“Pero yung nanay ko, lagi niyang sinasabi na, ‘Kahit walang baon, pumasok ka kasi kailangan maging matalino ka. Yun lang ang way para makaalis ka sa hirap.’

“At tumatak talaga iyon sa akin.

“Kapag gabi, nasa ilalim ako ng streetlight sa kanto kasi dun ako nagbabasa, gumagawa ng mga assignment.

“Minsan kahit walang pasok, nasa library ako, mahilig akong magbasa.

“Naglalakad ako hanggang SM Sta. Mesa para sa National Bookstore, nagbabasa ako ng libro.

“Looking back, kapag tinitingnan ko iyon ngayon, mabuti na lang hindi kami nag-rugby noong mga bata pa kami.

“Buti na lang yung nanay ko, yung tatay ko, pinu-push kaming mag-aral,” kuwento ni Inah.