Advertisers
By ARCHIE LIAO
Bigong maiuwi ng actress-beauty queen na si Gazini Ganados ang korona sa nakaraang MGI All Stars na idinaos sa Thailand.
Gayunpaman, nakasama naman siya sa Top 5 sa nasabing beaucon.
Pakiwari kasi ng kibitzers, nahati ang boto para kay Gazini dahil hindi lang siya ang pambato ng Pilipinas.
Kakumpentensiya niya sa nasabing pageant sina Imelda Schweighart, Miss Philippines Earth 2016, Fuschia Anne Ravena, Miss International Queen 2022, Alexia Nuñez, Pinay-Brazilian Noble Queen of the Universe 2026 at Keylyn Trajano, Universal Woman Arabia 2025 na isang transgender.
Speaking of MGI All Stars, naging kontrobersyal naman ang talak ni
Schweighart dahil sa emote nitong kung alam daw niyang voting ang magiging basehan ng pagkapanalo ay hindi na lang siya sumali at gumastos pa papuntang Bangkok .
Sa kanya namang Facebook account, may litanya rin si Trajano kay Schweighart sa talak nito.
Aniya: “Relax guys nasa food court lang ako kumakaen, si Imelda mahilig sa issue live ng live ksi everyone avoids her grow up sis.
You aint for pageantry, ill help you sa Pbb! Love you! ”
Bukas naman ang pahinang ito sa panig nina Imelda at Keylyn hinggil sa isyu.