Advertisers

Advertisers

DATING ALYS PEREZ ANG PAGBABALIK NG TANDEM NINA RABIN ANGELES, AT ANGELA MUJI!

0 3

Advertisers

By Rommel Gonzales

Nagbabalik ang tambalan na inyong kinabaliwan!

Panibagong yugto ng buhay nina Drake Palma at Alys Perez ang matutunghayan sa Dating Alys Perez, na mapapanood na simula June 12 exclusive sa Viva One.

Mula sa wattpad story na umani ng milyon-milyong views, hanggang sa naging patok at pinag-usapang series adaptation, magpapatuloy ang kuwento ng roller coaster na pag-ibig sa Seducing Drake Palma series.

Nagbabalik sina Rabin Angeles at Angela Muji upang muling gampanan ang papel ng misteryoso ngunit grabe magmahal na si Drake Palma at ang sweet pero palaban na si Alys Perez.

Samantala, si Zeke Polina na ang gaganap bilang knight-in-shining armor ni Alys na si Tripp Palma. Si Zeke ay unang nakilala sa pagganap bilang Ace “Supremo” Craige sa isa pang series ng Viva One na Hell University. Ngayon, siya naman ang gaganap bilang Tripp Palma, ang karakter na orihinal na ginampanan ni Dylan Menor na hindi na muling mapapanood sa serye.

Magsisimula ang Dating Alys Perez apat na taon matapos makagraduate si Alys sa Brenford. Sa paglipas ng panahon, buo na ulit ang kanyang puso at naghilom na sa sakit na dulot ng pagmamahal niya kay Drake Palma. Masaya na muli ang dalaga sa piling ng taong mahal niya, at minamahal din siya nang tapat, ang kanyang boyfriend na si Tripp.

Pero sa isang iglap, babalik ang lahat – ang mga alaala, ang sakit, maging ang pagmamahal na matagal nang binaon sa limot dahil sa muling pagdating ni Drake.

Gagawin ni Drake ang lahat upang muling makuha ang pag-ibig ni Alys. At tulad ng dati, muling iinit ang tensyon sa pagitan nina Drake at Tripp dahil sa pag-ibig nila para sa iisang babae.

Hango sa kuwento ni Ariesa Domingo, o mas kilala bilang Beeyotch, at mula sa direksyon ni Crisanto B. Aquino, muling subaybayan ang mga karakter na minahal ninyo na maghahatid ng panibagong kilig at drama.

Paniguradong mas exciting at paniguradong aabangan mo ang bagong kabanata sa Drake Palma Series. Abangan ang Dating Alys Perez, simula June 12, with fresh episode every Friday exclusive sa Viva One!