Advertisers

Advertisers

Kakai aminadong bida-bida

0 6

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Aminado ang komedyanang si Kakai Bautista na competitive siya by nature.

Katunayan, noong nagsisimula raw siya at tinutuklas ang kanyang sarili ay sinalihan niya ang halos lahat ng contests.

Hindi rin niya ikinaila na madalas siyang naba-bash dahil sa pagiging bida-bida.

Isa raw kasi siyang certified music lover kaya bumibirit siya kahit sa bus na keber lang sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Sa isang panayam, inamin din niya na ilang beses na rin siyang nasawi pagdating sa pag-ibig.

Iyong last relationship daw niya ay bago pa magpandemic kung saan tumagal ang kanilang relasyon ng ex ng almost five years.

Hindi na raw niya ma-take ang kasinungalingan nito kaya iginive-up na niya.

Siyempre dumaan din daw siya sa stages ng moving on tulad ng denial, anger, bargaining, depression, acceptance at eventually self-love.

May isa nga raw na nakarelasyon niya na niluhuran siya at humihingi ng second chance pero never na niya itong binalikan.

Sa ngayon daw, marami na rin daw siyang leksyon na natutunan sa pag-ibig.

Kung dati raw ay nagbibigay pa siya ng second chance, ngayon daw ay hindi na niya binabalikan ang dinelete o blinock sa buhay niya.

Napagtanto rin niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng importansya sa sarili o self-love in the process of moving on.