Advertisers

Advertisers

MIGUEL TANFELIX NEXT BIG STAR NG GMA

0 7

Advertisers

By Dominic Rea

Mukhang napapanahon na talagang sungkitin ni Miguel Tanfelix ang kanyang bituin sa bakuran ng GMA Channel 7. Oras na yatang si Miguel naman ngayon ang dapat tutukan ng Kapuso Network dahil kitang-kita naman ang pagiging ready nitong harapin na ang kanyang tadhanang magningning! Minsan ay napanood ko ang kanyang ginawang hosting sa isang show ng GMA na may titulong ‘ Huwaw ‘ at kapuri-puri naman ang kanyang pinaggagawa lalo na’t mahal na mahal siya ng kamera huh! Masarap kasing manood ng isang show lalo na’t guwapo ang host at modulated ang boses na hindi nakakairita sa tenga kundi masarap din pakinggan noh! Anyways, sa kanyang latest serye sa Kapuso ay pansin na rin ang pagbabago sa kanya physically. Lalo na ang pagkakaroon nito ng bigoteng bagay naman sa kanya. Higit sa lahat ay kahit baguhan sa pag-arte, mahusay siya, sa totoo lang! Nasa right timing ang lahat ng nagagandahang blessing ngayon kay Miguel at may nakapagsabi pa sa akin na very humble ito just like her Mom na isa na ring sikat na vlogger kusinera!

KATHRYN BERNARDO BIGLANG TUMAHIMIK?



Marami ang nakapansin sa biglaang pananahimik ni Kathryn Bernardo simulang naging jowa niya si Mark Alcala. Marami rin ang nakapagsabing tila masaya na raw si Kath kapiling ang kanyang current lover na ayon pa nga sa aking katsikahan ay kasal nalang daw ang kulang sa kanila. Mukhang masaya naman na si Kath sa kanyang buhay ngayon na kaya siguro medyo invisible siya dahil mas pinili na ni Kath na gawing pribado ang kanyang personal na buhay at iniwasan na nga kahit papano ang paglalantad nito di-tulad noong panahon nila ni Daniel na mayat-maya ang publicity sa kanila. Unlike dito kay Mark, parang pa-sekreto nalang ang lahat. Well, magtrabaho man o hindi si Kath, alam naman nating she has everything in this world naman na! Kaya bahagi na rin siguro ng kanyang pananahimik ay ang ine-enjoy niya na ang kanyang buhay o di-kaya’y nag-iisip lang what comes next! That’s life, she’s not getting younger naman at maybe ay handa na rin siyang manahimik!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">