Advertisers

Advertisers

Jake Cuenca, dating mahilig sa nightlife; 6 taon nang ‘di umiinom ng alak

0 3

Advertisers

By Anne Venancio

Inamin ng aktor na si Jake Cuenca na anim na taon na siyang hindi umiinom ng alak.

Sa panayam sa programang Fast Talk with Boy Abunda, diretsahan niyang sinabi ang naging desisyon sa kanyang buhay.

“I’m six years sober. I don’t drink alcohol anymore. I’ve given it up,” ani Jake.

Ayon sa aktor, hindi niya itinuturing na “masama” ang alak sa pangkalahatan, ngunit para sa kanya, naging sanhi ito ng mga hindi magandang sitwasyon sa kanyang personal na buhay at karera.

“I wouldn’t say it is bad, but definitely, it put me in bad situations—as a person and also as an actor,” dagdag niya.

Ibinahagi rin ni Jake na noong mas bata pa siya, malapit siya sa nightlife at madalas umikot ang kanyang araw sa party culture at pakikisama sa mga kaibigan, minsan ay mas inuuna pa kaysa trabaho.

“When I was younger, I used to live for the nightlife… parang inuubos ko ‘yung sarili ko,” kuwento niya.

Ayon sa aktor, naging turning point ng kanyang buhay ang isang insidente kung saan nasangkot siya sa police chase, na tinawag niyang “rock bottom” ng kanyang kabataan.

Dito niya na-realize ang pangangailangan ng pagbabago sa kanyang lifestyle at direksyon sa buhay.

Mula noon, unti-unti niyang iniwan ang dating gawi at piniling magpokus sa mas maayos na pamumuhay at mas responsableng pagdedesisyon, lalo na sa kanyang karera bilang aktor.

Sa kasalukuyan, mas nakatutok si Jake sa kanyang trabaho at mas pinahahalagahan ang disiplina at personal growth bilang bahagi ng kanyang pag-unlad.
** ***