Advertisers

Advertisers

Claudine Barretto hanga kay Boy 2 Quizon bilang direktor

0 13

Advertisers

By ROMMEL PLACENTE

LAST week ay nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home Along Da Riles Da Reunion sa Metropolitan Theater. Present doon si Claudine Barretto. Siya ang isa sa mga gumanap na anak ng namayapang komedyante na si Dolphy sa sikat na sikat na sitcom noong 90’s,na isinalin sa pelikula.

Kwento ni Claudine, noong pinapanood nila ang kanilang pelikula, pakiramdam nila ay kasama rin nilang nanonood si Dolphy.

“Ang tagal naming magka-holding hands ndrdrdrdeei Tita Nanay (Nova Villa) habang pinapanood, ang saya namin talaga. Parang nafi-feel namin ‘yong presence ni Tatay (Dolphy).”sabi ni Claudine.

Inamin naman ni Claudine na nakaramdam siya ng kaba bago siya pumunta sa advance screening.

“Talagang very sentimental and emotional. Bago ako pumunta sa advance screening talagang ninenerbiyos ako. This is the first time na pinanood namin ‘yong pelikula ng buo,” sm

Samantala, hangang- hanga si Claudine kay Boy 2 Quizon, na direktor ng HADRDR.

“Ang galing ni Boy 2. I’m so proud of my family dito sa Home Along.”

Showing na sa June 17 ang Home Along Da Riles Da Reunion