Advertisers

Advertisers

Jamilla Obispo tatlo ang kalampungan sa “Sugar Mommy,” bilib sa produ na si Andrew Gan

0 26

Advertisers

By NONIE V. NICASIO

MATINDI at kaabang-abang ang pelikulang “Sugar Mommy” na pinagbibidahan ng sexy actress na si Jamilla Obispo.

Bukod sa maraming eksenang pampainit ng dugo sa pelikulang ito, si Jamilla ay mayroong tatlong lovers dito, kaya matitinding romansahan ang masisilip dito ng viewers.

Balita namin ay halos seven times a week daw kung sumabak sa lampungan ang karakter dito ni Jamilla, kaya ‘ika nga ay saganang-sagana siya sa dilig.

Kuwento niya, “Daring po ako rito, in a way na ibinigay ko lang iyong need po sa mga eksena, especially with the help of my director, mas naging magaan ang lahat.

“I play the role of Hazel, siya po si sugar mommy. Maide-describe ko ang pelikulang ito as one of the strongest character I’ve done. Hazel has three lovers po rito, sina Ashley (Lopez), Rash (Flores), and Aerol (Carmelo).”

Wika pa ni Jamilla, “I find it very challenging, kasi bukod sa magagaling ang mga co-actors ko, bago rin po sa akin yung role and I think marami ang makaka-relate rito sa aming pelikula, hehehe.”

Bakit tatlo ang lover niya sa movie, nympho ba ang papel niya rito?

Tugon ni Jamilla, “Love story, drama po ang movie… I think she’s not a nympho but more on trying to explore and looking for someone who can understand her.”

Mula sa pamamahala ni Direk Christopher Novabos, ito ay hatid ng The Good Bois Production ng aktor/businessman na si Andrew Gan.

Nagpahayag din ang aktres ng pasalamat sa ibinigay sa kanyang opportunity para magbida sa pelikulang ito.

Aniya, “Thankful po ako kasi this is my first title role. Compare po sa ibang nagawa kong projects, na para po mabigyan nila Boss Vic at ng Viva family ng ganitong magandang opportunity, super grateful po ako.

“Masasabi ko po sa co-stars ko very professional silang lahat, malalakas silang uminom, hehehe. Kidding aside, Ashley is a generous actor…

“Si direk Chris po very collaborative and binibigyan niya ng freedom ang bawat actors na i-portray yung role na nakikita nila sa characters nila. Magaan din po yung team, masarap and masaya kasama, actually we had so much fun during our shoot.

“Sa produ naman namin na si Adrew Gan po, mabait siya and kuwela na producer.”

Pahabol pa ni Jamilla, “I just want to say thank you rin sa bumubuo ng The Good Bois Film Production and of course sa Viva Family ko, kay Boss Vic. Maraming salamat sa tiwala.”

Ang pelikulang Sugar Mommy ay mapapanood na ngayon sa VMX app.