Advertisers

Advertisers

PBBM naglaan ng P100-M para sa Gensan, tig-P50K sa bawat pamilyang namatayan

0 4

Advertisers

NAGLAAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng P100 milyon para sa pamahalaang lungsod ng General Santos City upang makatulong sa pagkukumpuni ng mga pasilidad na napinsala ng malakas na lindol, kabilang ang City Hall.

Ayon sa Pangulo, magmumula ang pondo sa Local Government Support Fund (LGSF) upang matulungan ang lungsod na makabangon mula sa epekto ng kalamidad.

Inihayag din ni Pangulong Marcos na bibigyan ng tig-P50,000 na ayuda ang bawat pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa lindol.



Batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 45 ang naiulat na nasawi sa sakuna.

Nagpahayag din ang Pangulo ng karagdagang tulong pinansyal para sa mga lokal na pamahalaan ng Sarangani at South Cotabato upang masuportahan ang pagkukumpuni ng mga nasirang imprastraktura.



Ayon kay Pangulong Marcos, kabilang ang Sarangani sa mga lugar na pinakamatinding naapektuhan ng lindol sa Mindanao kaya prayoridad ang mabilis na pagbibigay ng tulong at rehabilitasyon sa lugar. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">