Advertisers
UMAKYAT na sa 45 ang bilang ng mga nasawi sa Mindanao matapos ang magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo 8, 2026, ayon sa pinakahuling ulat ng Office of Civil Defense.
Kabilang sa mga bagong naitalang biktima ang pito mula sa bayan ng Jose Abad Santos at isa mula sa Malita sa Davao Occidental.
Bukod dito, 17 katao pa ang iniulat na nawawala, kabilang ang apat mula sa Glan, Sarangani at apat mula sa General Santos City.
Mahigit 450 indibidwal naman ang sugatan at tinatayang 35,673 pamilya mula sa 199 barangay sa Regions 11, 12, 9, at BARMM ang naapektuhan ng kalamidad.
Patuloy ang search and rescue operations kung saan mahigit 3,700 uniformed personnel mula sa Philippine Army, PNP, BFP, at Coast Guard ang naka-deploy, gamit ang 21 air at sea assets para sa relief at transport ng supplies.