Advertisers

Advertisers

DILG iimbestigahan ang pananagutan ni Mayor Baste sa pagtatapon ng basura sa harap ng DENR

0 7

Advertisers

SISIYASATIN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang posibleng pananagutan ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte matapos umanong ipag-utos ang pagtatapon ng basura sa harap ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lungsod.

Batay sa ulat, iniutos ng alkalde sa mga garbage collector ang pagtatambak ng basura matapos ipasara ng DENR ang New Carmen Sanitary Landfill, kung saan dalawang katao ang nasawi at isa pa ang nawawala dahil sa pagguho ng tambak na basura.

Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, iimbestigahan kung may kapabayaan o paglabag sa environmental laws, at tiniyak umano ni DILG Secretary Jonvic Remulla na magsasagawa ng imbestigasyon.



Dagdag ni Castro, ang posibleng parusa kay Duterte at iba pang opisyal ay nakabatay sa magiging resulta ng imbestigasyon at sa bigat ng paglabag.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">