Advertisers

Advertisers

Vandolph nami-miss pa rin ang ama kahit mahigit isang dekada na ang lumipas

0 2

Advertisers

By Rommel Gonzales

Kahit raw mahigit isang dekada na ang lumipas, ay hindi pa rin daw nawawala sa puso ni Vandolph Quizon ang sakit ng pagkawala ng kanyang ama, ang Hari ng Komedya na si Mang Dolphy.

“Yun lang ang naman hindi magbabago sa buhay, change,” saad ni Vandolph.

Nami-miss pa rin ni Vandolph ang ama niya: taong 2012 namayapa ang Hari ng Komedya dahil sa cardiac arrest.

Ibinahagi rin ni Vandolph na bukod sa pagiging mahusay na comedian, isang mabuting ama rin si Mang Dolphy na nagturo sa kanya ng maraming aral na hanggang ngayon ay gamit niyang gabay sa buhay.

Isa rito ay ang maging mapagkumbaba at magkaroon ng respeto sa lahat ng mga katrabaho sa produksyon, mula pinakamataas hanggang sa pinakamababa.

“Kasi lahat iyan nagtatrabaho.

“Kahit tayo napupuyat, iyang pinakamababang trabahador sa production mas puyat sa atin.

“Wala sa aircon tent iyan, walang pagkain na pili iyan. Kung ang call time mo nine, ang call time niyan four.

“Be respectful sa lahat,” ang isa sa mga hindi makakalimutang bilin sa kanya ng ama.

Hindi lamang sila mag-ama sa tunay na buhay kundi ay madalas ring magkasama sa hanapbuhay, sa mga pelikulang kanilang pinagsamahan.

Sa panayam ng “Kay Susan Tayo Vlog” ni Susan Enriquez kay Vandolph ay sinabi nitong, “He is a good dad.

“I grew up with him, acting with him. I learned sa kanya.

“I miss him a lot. Pero yung nararamdaman ko na Comedy King ang ama ko siyempre proud.”

Labingwalo silang magkakapatid at hindi raw masasabi ni Vandolph na siya ang paborito ni Mang Dolphy pero ayon sa kanya ay “Ako lang ang pinakamalambing.”

At kahit raw Hari ito ng Komedya ay tahimik na tao lamang ang kanyang ama.

“Nasa isang tabi lang iyon, madalas nasa dilim lang at nagpapamasahe.”

Samantala, palabas na sa mga sinehan ang bagong pelikula na kinabibilangan ni Vandolph na “Home Along Da Riles: Da Reunion” na tribute sa kanilang ama,

Sa direksyon ni Boy2 Quizon tampok sa pelikula sina Vandolph, Boy2, Claudine Barretto, Smokey Manaloto, Cita Astals, Dang Cruz, at si Ms. Nova Villa at marami pang iba.