Advertisers

Advertisers

Dwayne Garcia, isang advocacy movie ang new project titled #Uploading

0 16

Advertisers

By NONIE V. NICASIO

MAY bagong movie ngayon ang bagets na si Dwayne Garcia na pinamagatang “#Uploading” at ito’y mula sa pamamahala ni Direk Joven Tan.

Ayon kay Dwayne, isa itong advocacy film na kapupulutan ng aral.

Pahayag niya, “Currently po, were filming a movie, the title is #Uploading, directed by Joven Tan, which is an award winning director. A great guy po, napakabait po niya at napaka-professional…

“Featuring sa movie sina Aljon Mendoza, Zeus Collins, Dawn Chang, Eliza Borromeo, Dylan Yturralde, Arlene Muhlach, plus others po. So, this is my new movie po, isa itong full length movie.”

Wika pa ni Dwayne, “Lead support po ako rito sa movie, basically sa story po, umiikot po ito sa three main characters which is sina Eliza, Kuya Dylan, and Kuya Aljon. Kumbaga, ako po iyong parang love interest ni Eliza.”
Paano niya ide-describe ang kanilang movie?

Tugon niya, “Isa po itong light-drama, na parang standing up for bullying ang beeing yourself po. Yes po, isa itong advocacy movie.”

Nagsimula ang showbiz career ni Dwayne noong siya ay 9 years old pa lang, ngunit natigil ito nang nagkaroon ng pandemic. Bale, noong 2024 siya nagbalik-showbiz.

Ayon pa sa kanya, mas gusto niya ang takbo ng kanyang showbiz career ngayon, kaysa noong nagsisimula pa lamang siya.

Aniya, “For me yes po, kasi now, mas matured po ako at mas marami akong nakikilalang ka-age ko, pati na mga veterans. Na tinutulungan po nila ako sa experience… acting wise, they’re giving me advise po. And na-meet ko po si Direk Joven, binibigyan niya ako ng advise at ginawan niya po ako ng two singles.”

Si Dwayne ay 16 years old, Grade 10 sa UST Angelicum, at dream niyang maging isang piloto someday.

Bukod sa pagiging aktor, si Dwayne ay isa ring singer. Ang debut single niya ay titled “Taym Perst Muna.” Sinundan ito ng second single niyang ‘Para Na Muna.” Ang dalawang kantang ito ay kapwa komposisyon ni direk Joven at released ng Star Music.

In the future, gusto raw ni Dwayne na makagawa ng mga pelikulang may matinding drama, na gaganap siya sa isang mabigat at challenging na role.