Advertisers

Advertisers

David, Teejay, Fabio, Ellen, at Janeena, swak na endorsers ng BlueWater Day Spa

0 7

Advertisers

By NONIE V. NICASIO

MADALAS maging laman ng spa ang mga showbiz personlity na laging busy sa shooting at taping. Naging karaniwan na ang paglalaan nila ng oras para sa wellness. Minsan, ang pinakamagandang magagawa para sa iyong sarili ay ang huminto sandali, mag-recharge, at mag-unwind.

Ito ang ibinahagi ng BlueWater Day Spa endorsers na sina David Licauco, Fabio Ide, Ellen Frojd, Teejay Marquez, at Janeena Chan sa ginanap na “Summer Unwind” event sa BlueWater Day Spa, Eton, Greenhills.

Lahat sila ay nagsabi ng kahalagahan ng wellness sa araw-araw na pakikibaka sa buhay. Pati na ang balanced, rejuvenation, self-care, at makapag-recharge na naibibigay sa kanila ng BlueWater Day Spa.

Pahayag ni David, “Importante talaga ang wellness, busy rin kasi ako sa work, so lagi akong nagpapa-massage. Ako kasi, mahilig mag-work out, so after ay nagpapa-massage talaga ako. Favorite ko iyong massage rito while watching a movie, kasi two in one na siya, eh.”

Esplika ni Teejay, “Iniingatan natin ang ating health, eating the right food, work out, mga vitamins, and definitely twice or thrice a week, basta every time na may free time ako diretso na ako, magpa-massage, nagpupunta ako sa BlueWater Day Spa. Nagpapa-service ako rito, kasi nakaka-recover talaga ako, maganda sa katawan, maganda sa blood circulation, maganda talaga sa wellness.”

Dagdag pa ng aktor, “For me kasi, sulit talaga iyong experience, sabi nga nila iyong ambiance… But iyong service at iyong massage nila. talagang paglabas mo, you will really be recharged. So, masusulit talaga ang pagpunta mo rito. it’s the experience itself, babalik-balikan mo talaga.”

Ayon naman kay Janeena, “Ako personally, I love having massages at least once a week sana… Nakaka-relax siya at nakaka good-vibes din. Nakakalimutan mo ang kailangan mong gawin, kasi kailangan mo nang parang fuel sa katawan.”

Esplika naman ng couple na sina Ellen at Ide.

Wika ni Ellen, “Obviously we have a busy life, juggling with work and family, and we still always find a time to come here for the chance of recharging and energizing again. The kids love coming here, as well.”

“We just love coming here, it’s been so many years coming to BlueWater, they’re extremely professional who understands what they’re doing. Also, the staff, the way how they treat you the moment you arrive until you go home, it just feels like home,” sambit naman ni Ide.

Anyway, sa higit sa dalawang dekada, ang BlueWater Day Spa ay nananatili bilang isa sa nangungunang wellness destinations sa bansa, na may wide range ng treatments upang tulungan ang mga guest na makamit ang relaxation, rejuvenation, at overall well-being.

Ang okasyon ay naging daan at nag-highlight din sa ilan sa BlueWater Day Spa’s most sought-after services, kabilang dito ang signature Chiang Mai Massage, ang restorative Thai Yoga Massage, at ang advanced 5D Laser Treatment.

Present sa event ang BlueWater Day Spa President and CEO na si Mary Simisim at Operations Manager na si Nancy Go. Ayon kay Ms. Simisim, ang event ay ginawa bilang paalala sa lahat na ang wellness ay hindi dapat tignan bilang occasional indulgence, subalit bilang isang mahalagang bahagi ng araw-araw na pamumuhay.

Umaasa silang magbigay pa ng inspirasyon sa mga Filipino na unahin at pahalagahan ang kanilang sarili, maghinay-hinay kung kailangan, at maglaan ng oras para ma-recharge.

Ang BlueWater Day Spa ay may branches sa Banawe, Quezon City; Eton Square Ortigas in Greenhills, San Juan; at Estancia Mall in Pasig City.