Advertisers
DUMULOG muli sa Supreme Cort (SC) si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano para kwestyunin ang iligal na sesyon noong Hunyo 3 kung saan siya ay napatalsik bilang Senate president.
Sa Facebook livestream ni Cayetano, sinabi niyang ang kaniyang mga abogado ang naghain ng manifestation para hilingin na magdesisyon ang Korte Suprema sa ginawang iligal na Senate session.
Punto ng senador, wala na itong kinalaman sa Senate presidency kundi tungkol ito sa numero sa Senado at ukol sa moral boundaries at mga batas.
Giit ni Cayetano, malaki ang implikasyon ng kanilang pagkwestyon sa nangyaring sesyon noong Hunyo 3 gaya na lamang sa ipinatawag nilang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong June 4 na ayon naman kina Senador Ping Lacson at Sen. Erwin Tulfo ay hindi tunay na BRC hearing.
Sa naturang pagtitipon o pagdinig na ito iniharap ng Cayetano faction ang 18 mga dating bodyguards ni dating Congressman Elizaldy Co.
Dagdag pa rito ang kaugnayan din ng June 3 session sa bilang ng mga senador na pagbabatayan ng pagbibilang ng boto para sa paggagawad ng hatol ng impeachment court kay Vice President Sara Duterte.
Kung pagbabatayan aniya ang ginamit na quorum noong huling araw ng sesyon at ibaba ang bilang sa 23 o 23 ay posibleng mula sa 16 ay bumaba sa 12 ang bilang para sa conviction ni VP Sara.