Advertisers

Advertisers

PULIS PATAY SA DRUG OPS SA CAVITE

0 14

Advertisers

NASAWI ang isang pulis nang barilin ng isa sa apat na drug suspects kabilang ang kanilang lider na naaresto sa isang anti-drug operation sa Barangay San Esteban, Dasmariñas City, Cavite, Lunes ng gabi.
Kinilala ang nasawi, dead-on-the spot, na si Corporal Anthony John Martinez, nakatalaga sa Regional Police Drug Enforcement Unit-4.
Ang naarestong lider ng grupong nagbenbenta ng shabu ay kinilalang si Jeffrey Alejos, 42 anyos. Siya ang target ng entrapment operation.
Sa ulat, nangyari ang engkuwentro sa kahabaan ng Nido Street, sa nasabing barangay gabi nitong Linggo.
Sa report, nakatala si Alejos sa pulisya bilang high-value drug personality.
Ang mga kasamahan ni Alejos na sina alyas Nalos, Asera, at isa pa na may iba’t- ibang alyas na Geston, Keith, Lendy, Baldos Andrada ay nagawang makatakas sa engkuwentro at kasalukuyang tinutugis ng mga tracking team ng Dasmariñas Police.
Bago ang engkuwentro, nagtungo si Cpl. Martinez kasama ang confidential informant at iba pang operatiba ng RDEU-4 sa bahay nina alyas Andrada at alyas Asera para magsagawa ng buy-bust operation sa hideout ng suspek sa Barangay San Esteban.
Isa sa RDEU-4 police officer na kinilalang si Staff Sergeant Franz Zorilla ang umaktong poseur buyer para bumili ng shabu kay Alejos kapalit ng isang sachet na naglalaman ng shabu na may halagang P1,000 na bust money.
Naghinala ang isa sa apat na suspek, kung kaya agad bumunot si Andrada ng baril at malapitan pinagbabaril ang pulis na agad bumulagta.
Nagawang makatakas ng tatlo sa mga salarin na nahuli sa akto sa pot session sa lugar, habang si Alejos ay naaresto.
Nakuha mula sa encounter site ang pitong plastic sachet ng shabu.