Advertisers
By ROMMEL PLACENTE
ISA si Lyndon Mclain sa naging special guest sa nagdaang concert ni Renz Verano billed as Ibang Iba Ka Na Thriving 30th Anniversary Concert
In fairness, maraming pinahanga si Lyndon, nang mapanood siya sa nasabng concert. Ang husay naman kasi niyang kumanta.
Si Lyndon ay hindi lang isang singer, kundi isa ring aktor,dancer at model Napaka-talented ng bagets.
Mahilig sumali noon sa mga singing contest si Lynnon at lagi namang nananalo.
Naging Tawag ng Tanghalan Daily Winner siya, Idol Kids Daily Winner, V-Pop Live Grand Finals 1st Runner-Up, at Divine Grace School Vocal Solo Champion.
Kinilala rin si Lyndon bilang KIDZOONA Grand Winner at nakuha ang titulong Little KIDZOONA Ambassador.
Ang kanyang pinakabagong milestone ay ang pagiging pinakabagong recording artist sa ilalim ng EBQ Music Production, kung saan nakatakda nang ilabas ang kanyang debut album sa pamamagitan ng PolyEast Records.
Ang dalawa niyang single na “Sa Aking Mga Magulang” at Ako si Lyndon,” both written by Mami Eve Quintua and Daddy Nick Quintua, ay bahagi ng kanyang album.
Bukod sa mga awards na natanggap bilang isang singer, pinarangalan din siya sa Most Influential Asian Filipino Awards.
***
KUNG dati ay magkasama sa pelikulang Girl,Boy,Bakla,Tomboy sina Maricel Soriano at Vice Ganda na naging entry sa MMMFF 2013,ngayon ay magkalaban ang kanilang mga pelikula sa MMFF 2026.
Ang entry na pelikula ng Diamond Star ay ‘yung Haunted Carnival, while si Vice naman, kasama si Vic Sotto ay ‘yung The Greatest Showdown.
Close sina Maricel at Vice.Para na ngang tunay na mag-ina ang turingan nila. Kaya kahit magkatapat ang kani-kanilang pelikula sa taunang film festival, ay hindi nila iisipin na kalaban nila ang isa’t-isa sa takilya.