Advertisers

Advertisers

DOJ: Reklamo vs VP Sara aaksyunan alinsunod sa due process

0 5

Advertisers

TUMANGGI nang magbigay ng pahayag ang Department of Justice (DOJ) sa mga usaping may kinalaman sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Kasunod ito ng mga sinabi ni Senator-Judge Erwin Tulfo sa pagdinig ng Senate Impeachment Court na tila nababagalan sa pag-usad ng reklamo kay VP Sara na nasa Justice Department.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, hindi na muna sila magbibigay ng pahayag bilang paggalang sa impeachment court.



Muli namang nilinaw ni Martinez na nananatiling under investigation ang reklamo laban kay VP Sara at aaksyunan ito sa tamang panahon alinsunod sa due process.

Inireklamo ng National Bureau of Investigation (NBI) si VP Sara sa DOJ ng grave threats at inciting to sedition dahil sa pagbabanta laban kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">