Advertisers

Advertisers

Coco at Dingdong, nangangamoy sanib-puwersa

0 3

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Dingdong Dantes ang litrato niya kasama ang co-actor na si Coco Martin sa isang pambihirang pagkakataon.

May caption itong:”Magkaiba man ang programa, iisa lang ang layunin: pagmamahal at pagpapalakas ng ating industriya.

Isang magandang Sunday meeting, may kasamang masayang kwentuhan at makabuluhang palitan ng mga ideya, para pag-usapan ang isa na namang proyektong ilulunsad ng AKTOR sa ilalim ng pamumuno ng ating kapwa AKTOR member na si Coco Martin. Soon.

Para sa AKTOR. Para sa mga aktor. Para sa industriya. Salamat, Coco.

#ProudAktor @aktorph @cocomartin_ph”

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers ang nasabing post.
Hirit nila, nangangamoy-sanib puwersa raw ang dalawang hari ng Primetime.
Ito ang ilan sa mga komento ng netizens.
“The Kings of Primetime…”
“Collab naman jan! Sigabo x Master Cutter.”
“yung dalawa kong idol nagsama ”
“Si Gabo at Si Atoy”
“Power house actors”
“Wow”
“Love u dingdong at coco martin”
“Movie together soon”
“Magkamovie si Coco and Dong or Coco and Marian will surely break records”
“Primetime KINGS of their respective Networks and generations”
“Coco Dantes”
“Two kings in one frame”
“Legends”
“Mmff na to.”
“Master Cutter and Sigabo crossover na this!!!”
“2 hari ng kani kanilang network! WYAY
Magkaibang programa pero iisa ang ama. Parehas na si sir joey marquez”
“eto ung totoong unity”
“Its a yes for me”
“I got nothing but huge respect to these brothers in arms right here!”
“Bet kong isabong sila kina Vice at Vic.”
“Wow, kaabang-abang”

***

MTRCB, hinikayat ang mga pamilya na alamin ang mga ratings bago magtungo sa sinehan

TIYAK na matutuwa ang mga mahilig sa horror, fantasy, romance at thrillers ngayong inilabas na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang rating ng anim na pelikulang palabas ngayong linggong ito.

Pinayuhan ni MTRCB Chair at CEO Lala Sotto ang mga magulang ng mga batang manonood na alamin muna ang mga rating na ito bago sila bumili ng tiket, pagka’t karamihan sa mga pelikula ay rated R-13 at R-16.

“Ang tema ng ilan sa mga pelikula ay maaaring hindi bagay sa mga batang manonood, kaya’t mahalaga na nariyan ang ating mga magulang upang gabayan sila,” sabi niya.

“Hinihikayat namin ang publiko na tangkilikin ang mga tampok na sineng ito bilang suporta sa industriya ng pelikula,” dagdag ni Sotto.

Ang G o General Audience rating ay para sa lahat ng edad, habang ang PG o Parental Guidance ay kailangang kasama ng mga bata ang isang magulang o guardian.

Ang R-13 rating ay para sa edad 13 at pataas, samantalang ang R-16 ay para sa edad 16 at pataas. Ang R-18 ay para sa mga nasa wastong edad.

Ang “I, Object” ay rated PG at kailangan ng patnubay ng mga batang manonood dahil ito’y may “thematic element that deals with childhood grief, mild fantasy peril and some mild language.”

Rated R-13 naman ang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” na pinagbibidahan nina Kim Molina at Jerald Napoles. Ito ay ekslusibong mapapanood sa SM Cinemas simula Hulyo 24 at may mature na temang romantic comedy at drama.

Ayon sa MTRCB, bagama’t inspirational at values-oriented ang pelikula, hindi ito binigyan ng PG classification dahil may pagmumura rito at hindi magandang pananalita.

Ang “Lockbox,” isang horror na may eksenang supernatural possession at gore ay rated R-13.

Ang crime thriller na “Tuner,” rated R-13, ay ekslusibong mapapanood sa Ayala Malls Cinemas.

Sabi ng MTRCB, ang mga tema nito na umiikot sa krimen, moralidad at mga iligal na aksyon ay nangangailangan ng mas mature na pag-unawa at maaaring hindi angkop sa mga bata.

Ang horror na “Slumber Party Massacre,” rated R-13, ay remake ng isang 1982 slasher film at ekslusibong ipapalabas sa Megaworld Cinemas.

Samantala, ang “Pinocchio Unstrung,” ay rated R-16 dahil sa “mature horror themes, frightening scenes, violence, gore, disturbing deaths, body-horror elements, and frequent use of strong swear words and expletives by pre-teen characters.”

Ito ay reimagining ng kwentong pambata tungkol sa puppet na si Pinocchio at ang kanyang pagiging tunay na tao.