Advertisers

Advertisers

LIBRENG TSIBOG NG DEFENSE TEAM HIRIT NI VP SARA SA SENADO!

0 50

Advertisers

NAKAKADISMAYA ang kahilingan ni VP Sara Duterte! Inihihirit nito na gastusan ang mga pagkain at inumin ng kanyang mga abogado, testigo at staff at sila ang pipili ng catering service habang siya ay nililitis sa Senate Impeachment Court.

Ilan sa mga usapin ng impeachment ni VP Sara ay ang maluho at di maipaliwanag na paggasta ng pera ng bayan?

VP Sara Duterte at Sen. Ping Lacson

Bukod sa hininalang paglustay sa pondo ng bayan ay nahaharap din si Inday sa mga kasong non-declaration of assets, abuse of power, bribery and threatening the lives of officials including President Marcos.

Kung pagbibigyan ang kahilingan ng bise presidente ay mapapadagdag pa sa milyones niyang gastos sa sweldo ng kanyang mahigit sa 325 bodyguard at staff, ang lalapangin ng kanyang mga abogado at testigo?

Batay sa kalatas ni Inday Sara kay Senate President Sherwin Gatchalian ay tatlong mabibigat na kahilingan ang ipinaabot nito sa Senado noong July 7, 2026.

Una ay ang pagbibigay ng libreng pagkain at inumin sa kanyang defense team, testigo at staff sa isang itatakdang holding room sa senado at ikalawa ang libreng mga pagkain at inumin ay isisilbi ng accredited na caterer ng Office of Vice President.

Ang lalo pang ikinadidismaya ng balana ay ang senado pa ang magbabayad ng gastos sa pagkain, inumin at serbisyo ng catering para sa kanyang defense team, mga testigo at support staff. Itinanggi ito ng defense lead counsel Atty. Michael Poa.

Mahigit sa Php 20M ang ginagastos ng House of Senate araw-araw sa kanilang mga aktibidad. Magiging mabigat at dagdag na pasanin ng bawat Juan at Maria Dela Cruz ang milyong salapi na ilalaan upang bigyan ng lalamunin at iinumin ng mga abogado, testigo at support staff ni Inday para lamang depensahan ito sa mga asunto na siya rin naman ang may pakana?

CAVITE PROTEKTADO NG STF-SOU CRAME!
MAKAPAL ang apog ng mga salot na operator ng illegal gambling, paihi, E-sabong at online games sa Cavite pagkat ang ipinagyayabang ng mga ito na ilang mga big boss sa SOU-STF ay nasa kaharian ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. Ang Cavite ay home province ng mga Remulla at Sen. Panfilo Lacson.

Ang mga sakla operator sa Cavite ay sina alyas Eric Turoc at Bonnie sa bayan ng Kawit; Bacion alyas Francis ng Alfonso; Joji at Alma sa Mendez; alyas Lt Atas sa Indang; alyas Sgt. Maala ng Silang; Maricon ng Naic at Hero sa kanto ng Noveleta. Sina alyas Hero at Maricon din ang bida sa sakla ng Dasmariñas City sa tabi ng Sapida Funeral Homes; sa Bailen, Maragondon, Bacoor, Dasmarinas at Cavite City.

Talamak din ang operasyon ng EZ2, Pick 3 bookies, loteng, E-sabong at online gambling nina alyas Jun Toto, Kap Abner at Nitang Kabayo. Ang rebisahan ng taya ay sa garahe ni alyas Toto sa Brgy.San Luis. Doon din pinaka malakas ang bentahan ng shabu.

May bentahan din ng shabu malapit sa Cavite State University, Indang na kunwari ay peryahan ng mag-dyowang drug pusher na sina alyas Boy No Life at Eve. May malaki ding pasugalan/shabuhan sa pergalan ni alyas Nelma sa Poblacion, Tanza.

Super lakas ng paihi at pasingaw (oil and petroleum pilferage) nina alyas Amang, Violago at Aldo sa Brgy. Bancal, Carmona City, kahit nag-utos na si PNP Region 4A Acting Dir. Dominic Baccay kay Cavite PNP Acting Provincial Dir. Col. Ariel Red na bulabugin at kasuhan ang mga ilegalista sa Cavite.

Kung payag sina DILG Sec. Jonvic at kapatid nitong Ombudsman Chief Crispin Remulla ay di uubra kay Sen. Lacson ang “style bulok” ng mga salot na ito sa Cavite na laging bukang-bibig ay ang opisina ng STF-SOU ng Camp Crame! May karugtong…

***

Para sa komento: CP# 0966 406 6144