Advertisers
By Direk JM
Si Michael Fabe isa nang Successful Actor, Model and Talent manager sa loob ng maraming taon at mahigit isang dekada na sa Showbiz Industry.
Nagsimula ito nuong si Michael Fabe ay nanalo bilang MR. FEU noong 1994 estudyante pa lamang siya nuon. Pagkatapos nito sa kolehiyo ay nagtrabaho siya bilang isang HIV Councelor sa QC Health Dept.
Ilang taon pa ang lumipas ay naging hilig ni Michael ang pag arte at tuluyan na siyang nag artista, naging model muna siya at nanalo sa ibat ibang pageant at pagkatapos ay tuluyan na niyang pinasok ang mundo ng mga pelikula.
Showing pa hanggang December 2026 ang kanyang mga Pelikula ang Love Ain’t Enough nakasama niya dito ang ilang bigating artista tulad nila Akihiro Blanco, Shaine Vasquez, ang isa pa niyang Pelikula na The Photographer kasama niya din dito si Akihiro Blanco at si Krishna Francisco, lumabas din siya sa drama movie na Doll Father, Ang isa pa na pelikula na nakasama siya ay ang Kamao ng Kidlat Starring Harold Montano at James Merquise na lahat ay Directed by Direk James Merquise under AAGS Movie Productions at mapapanuod pa din ang mga pelikulang ito hanggang ngayon sa BLVCK Box App na maaring I Download sa Googleplay Store.
Nanalo na din si Michael Fabe sa ibat ibang Film Festival bilang Best Actor kabilang na ang Liwanag ng Mahika Awards at Russian Film Festival sa kanyang movie na Sinto Sinto Directed by James Santiago. As Best Supporting Actor naman sa isang International Film Festival also Directed by James Santiago sa pelikulang Stow Away.
Sa ngayon ay CEO na din siya ng sarili niyang Talent Agency Ang MAHF Talent Agency.
Ngayong Taon ay aabangan din si Michael Fabe sa pages ng isang sikat na Magazine sa Limelight The TEAM Chronicles Magazine…