Advertisers

Advertisers

New single ni Andrew E. titled “Pasta” nakaka-LSS, patok agad sa madla

0 8

Advertisers

By NONIE V. NICASIO

ASTIG ang new single ng King of Pinoy Rap na si Andrew E. na pinamagatang “Pasta.” Bonggacious ang naging launching nito last Wednesday, July 29 sa G Side Superclub, bago ang kanyang 59th birthday salubong.

Very catchy ang kanta at ito ay may LSS (Last Song Syndrome) effect sa madla, kaya siguradong magiging big hit na naman ito from Andrew E.

Actually, patok na agad ito sa madla at gumawa agad ng ingay ang song dahil may kakaibang lyrics o version ito sa live performance.

Sa totoo lang, unang narinig namin ang Pasta that night, alam namin na kuwela ito sa mga ganoong lugar at pagtatanghal. Kaya nag-enjoy nang husto ang mga present sa nasabing bar. Masarap kasi pakinggan ang new song ni Andrew lalo na kapag may party o nagkakasiyahan ang grupo.

Pero ang naturang ilang words na pinag-usapan ng madla at ng netizens ay hindi bahagi ng opisyal na lyrics ng kantang Pasta. Parang adlib o isiningit lang daw ito kumbaga, bilang bahagi ng pakikipagbiruan at pakikipag-interaksiyon sa live audience ng legendary rapper sa naturang launching. Kilala naman kasi si Andrew sa ganyang style bilang rapper.

Sa original na version ay mapapakingan ang lyrics na “Put a little more! Ibuhos mo!” Pero sa gabing iyon ay iba ang kinakanta ng karamihan ng nandoon sa event at ang lyrics ay naging, “PI mo! Ibuhos mo!” ang datingan. May iba pang lyrics na puwedeng isipin ng iba na medyo naughty, pero depende na rin ito sa nakikinig.

Anyway, pinasalamatan ni Andrew ang mga present sa kanyang single launching at party. Kabilang dito sina Sam Verzosa kasama si Faith da Silva, Jeffrey Tam, Eric Nicolas, at iba pang kaibigan. Dumalo rin ang mga kapatid niya sa Dongalo Records.
Siyempre pa, kabilang sa pinasalamatan ni Andrew sa espesyal na gabing iyon ang kanyang pamilya at misis na si Ms. Mylene Espiritu.

Sa panayam ng mga taga-media, itinuturing ng iconic na rapper na ang single niyang Pasta ay mas matindi kaysa sa mga nauna niyang hit songs.

Nakangiting esplika ni Andrew, “Ngayon ay mas brutal, kasi you know why? Kasi, dati iyong pagiging liberated ko sa kanta, eh hindi ba 1990, 1991 napaka-early pa noon sa Pilipinas. So, hindi pa tayo masyadong liberated, hindi ba?

“But now a days, you know, cell phone, social media and all that, ganoon na ka-high level yung technology… wala na silang hindi alam. Ang tanong, paano mo ngayon kikilitiin ang mga tao kung alam na nila lahat? Ang challenge ay mas mahirap, that is why we really should surpass the challenge. And I guarantee you, kapag narinig nyo na ang kantang Pasta, sasabihin ninyo sa sarili nyo na tama nga si Andrew,” paniniyak pa niya.

Bukod sa bagong single, kabilang din sa paparating na six-track album niya ang kantang “Interstellar,” na collab nina Andrew at ng rapper son na si MC Ford Medina. Kaya raw Interstellar dahil ukol ito sa pag-ibig na nagbabaybay sa kalangitan, ayon pa kay Andrew E.

Ngayon ay official na ngang napapakinggan ang Pasta sa YouTube Music, Apple Music, Spotify, at iba pang digital music platforms. Ang Pasta ay bahagi ng upcoming album na “Wholesome… AGAIN?!