Advertisers

Advertisers

DILG: Sen. Bato, huling lokasyon sa Mindanao area

0 9

Advertisers

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na huling natukoy na lokasyon ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ay sa Mindanao area.

Kasabay nito, mariing itinanggi ng DILG chief ang mga kumakalat na balita na inaresto na si Dela Rosa kaugnay ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

Sinabi pa ng kalihim, bineripika na ng mga awtoridad ang naturang ulat subalit walang nakitang batayan sa mga claim na inaresto ang mambabatas.



Siniguro naman ni Remulla na susundin ng mga awtoridad ang legal na proseso kabilang ang booking at pagharap sa senador sa lokal na korte bago ito maging subject ng extradition.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">