Advertisers
NAGLUKLOK si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng dalawang bagong mahistrado ng Sandiganbayan at Court of Appeals.
Ito’y matapos italaga ng Pangulo si Commission on Appointments (CA) Deputy Secretary Ronald Chua bilang bagong Associate Justice ng anti-graft court.
Samantala, hinirang naman si Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary Randolph Pascasio bilang bagong mahistrado naman ng CA.
Pinanumpa na sa tungkulin si Chua nitong Miyerkules, Agosto 5, sa harap ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo.
Papalitan ni Chua si Associate Justice Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta matapos itong italaga bilang Court Administrator ng Korte Suprema noong nakaraang taon.
Samantala, uupo naman si Pascasio sa isa sa apat na bakanteng posisyon sa appellate court. (Gilbert Perdez)