Advertisers
SINIGURO ng Malakanyang na babantayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggamit ng pondong ilalaan sa mga evacuation center para hindi na ito mauwi sa ghost projects.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro, may mga mekanismo ang pamahalaan para masubaybayan kung naipatutupad ang mga proyektong pinondohan ng gobyerno.
Hindi aniya nais ng pangulo na maulit ang mga ghost project na naging problema sa mga nakaraang administrasyon at maging sa kasalukuyang pamahalaan.
Sa ilalim ng Ligtas Pinoy Centers Act, ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kasama ang mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya, ang tutukoy sa mga lugar na uunahin para sa pagtatayo ng evacuation centers.
Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang magsisilbing implementing agency.
Batay sa panukalang 2027 national budget, dalawang Ligtas Pinoy Center ang nakalaan sa bawat rehiyon, na may pondong P90 milyon bawat isa.