Advertisers

Advertisers

50 flood control projects natapos nang imbestigahan ng COA

0 2

Advertisers

PAPALO sa 50 flood-control projects ang naimbestigahan o natapos na ang pag-audit ng Commission on Audit (COA).

Sa budget hearing ng COA para sa 2027, humingi ng update si Senate Committee on Finance Chairman JV Ejercito tungkol sa ongoing investigation ng ahensya sa mga maanomalyang flood control at iba pang infrastructure projects.

Sinabi ni COA Chairperson Gamaliel Cordoba, nakumpleto na nila ang 50 fraud audit reports ng mga kwestyunableng proyekto.



Ani Cordoba, naisumite na rin nila ito sa Office of the Ombudsman para magamit sa isinasagawang preliminary investigation at pagsasampa ng kaso.

Dagdag pa ni Cordoba, sentro ng kanilang fraud audit report sa ngayon ang mga flood-control projects sa lalawigan ng Bulacan.



Samantala, diretsahang tinanong naman ni Senator Joel Villanueva ang COA kung nakita ba nila sa kanilang pagsusuri na konektado sa kanya ang mga maanomalyang flood-control projects.

Agad na nilinaw ni Cordoba na wala silang nakitang flood-control projects na kunektado kay Villanueva at base sa kanilang auditing, Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan ang nagpatupad ng proyekto.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">