Advertisers
Ni Favatinni San
EXCITED na ang mga fans at supporters sa pagbabalik ng Gandang Gabi Vice. Ilang tulog na lang mapapanood na ito sa TV5, Kapamiya digital portal at GMA7.
Mapapanood ang first episode ng GGV sa Linggo, September 13 bago umere ang Kapuso Mo, Jessica Soho.
Sa daming talents ng ABS-CBN na nabigyan ng TV projects at special treatment kay Vice.
Kung sabagay isang negosyo ang TV at kahit si Miss Soho ay ‘di pwedeng diktahan kung una eere ang GGV. Kahit isang homegrown broadcast journalist siya, umiiral pa rin sa mga big boss ang pagkita ng pera.
Sa isang banda, handang makipagbati ni Vice kay Jessica.
Sure, pag-uusapan ang bawat edisyon at husay mag-interview ni Vice… papatok sa mga viewers ang GGV.
ALAGA Ni JANDY ROMAN, WAGI SA THAILAND
NAGING mahigpit ang kumpetisyon ng Model Kid International. Hindi nagpakabog si Benedicta Emanuella Emperador Soriano sa pagrampa para ipaglaban ang ating bansa, na ginanap sa Thailand.
Sa bawat portion na lalabas si Saci, marami ang napahanga sa kanyang kasuotan. E, alaga siya ng sikat na international designer na si JANDY ROMAN. Inuwi ni Saci ang titulong Junior Model International Asia.
Proud ang mga kamag,-aral niya sa Tabang Integrated School (Tabang, Sto. Niño, Cagayan), Grade V na si Saci, masayang-masaya ang kanilang principal na si Sir Norberto Dannug. Abot ngiti at pasasalamat ang mga parents ni Saci na sina Meynard Espinosa Soriano at Bernadette Emperador Soriano. Congrats sa inyo, Saci at JANDY.
Samantala, abala naman si Jandy bilang National Director ng Grand Global Ambassador International.