Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
IPAGDIRIWANG ng mahusay na singer na si Richard Reynoso ang apat na dekada niya sa music industry sa pamamagitan ng isang concert titled RR40: Timeless Memories. Ito ay gaganapin sa September 26, 7pm sa Teatrino Promenade Greenhills. Produced ito ng EchoJham Entertainment Production ni Miss Mhae Sarenas.
Guests niya rito ang dalawang kasamahan niya sa OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo at Chad Borja. Plus sina Andrea Gutierrez, VR Caballero, Aquila Packing,at Jay-R Dizon.
Kapanahunan namin si Richard, kaya alam namin ang mga sikat na songs niya noong late 80s at early 90’s gaya ng Paminsan-Minsan, Hindi Ko Kaya, Ale (Nasa Langit Na Ba Ako?), among others.
Pero syempre, hindi lang ‘yung mga songs niya ang kakantahin ni Richard sa kanyang concert, kundi pati na rin ‘yung mga sikat na kanta ngayon. Para naman maka-relate ‘yung mga kabataang manonood sa gabi ng kanyang pagtatanghal.
Pero for sure, alam na rin naman nila ang classic songs ni Richard dahil hanggang ngayon ay paborito pa rin itong patugtugin sa mga FM stations.
Hindi pa rin makapaniwala si Richard na aabot siya ng 4 na dekada sa music industry.
“It feels surreal. I can’t believe na it’s been 40 years. Parang isang dekada pa lang,” sabi ni Richard.
Sinisugurado naman ni Richard na mag-i-enjoy sa kanyang concert ang kanyang mga audience.
“Basta, masaya ’to. Pramis!”sabi niya.
Para sa ticket inquiries at reservations, maaaring makipag-ugnayan sa TicketWorld o mag-text/call sa 0915-250-0308