Advertisers
LUSOT na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Senado ang Senate Resolution No. 623, na nagbibigay ng pagsang-ayon sa ratipikasyon ng ASEAN Treaty on Extradition upang palakasin ang kooperasyon ng Pilipinas at iba pang bansang ASEAN laban sa mga transnational na krimen.
Nakapagtala ang resolusyon ng 20 boto pabor, walang tumutol at walang nag-abstain sa sesyon plenaryo nitong Setyembre 14, 2026.
Layunin ng kasunduan na magtatag ng iisang balangkas para sa extradition o pagpapabalik ng mga pugante sa pagitan ng mga bansang kasapi ng ASEAN, upang hindi na madaling makatakas ang mga pinaghihinalaang kriminal sa pamamagitan ng pagtawid ng hangganan.
Nakapaloob din sa tratado ang mga probisyon para sa mandatory at discretionary na pagtanggi sa extradition, gayundin ang mga pananggalang na umaayon sa Konstitusyon at sa prinsipyo ng due process.
Bunsod nito, inatasan ang Department of Justice (DOJ), katuwang ang Department of Foreign Affairs (DFA) at iba pang ahensya, na tiyaking maayos at epektibong maipatutupad ang nasabing kasunduan. (Mylene Alfonso)