Advertisers

Advertisers

Maribank dapat idulog sa BSP sa dami ng reklamo

0 6

Advertisers

DINAGSA ng reklamo ang MariBank Philippines mula sa mga customer nito tungkol umano sa delayed at disputed transactions, hindi ma-access na accounts, at mabagal na serbisyo.

Ayon sa mga customer, nakaranas umano sila ng sitwasyon na hindi maibalik na pera, duplicate transactions, delayed o unsuccessful transfers, account lockouts, problema sa OTP at login, at mga transaksyong hindi nila awtorisado.

Sa isang Facebook post, sinabi ng isang customer na nagkaroon siya ng withdrawal transaction sa MariBank noong Agosto na hindi niya awtorisado.



Ipinaabot niya ito sa MariBank ngunit walang ibinigay na malinaw na proseso kung kailan maibabalik ang kanyang pera, kaya nagpasya na siyang lumapit sa BSP at ngayo’y naghihintay na lang ng resulta.

Sa iba pang reklamo, sinabi ng customers na ilang araw o linggo silang naghihintay para maibalik ang kanilang pera, habang ang iba naman ay nakatanggap umano ng magkakaibang impormasyon tungkol sa status ng kanilang dispute.



“Malapit nako ma-high blood kay Maribank. Pangatlong duplicate transaction ko in a span of 1 month. Grabe tapos ilang minggu pa bago mabalik sayo,” dagdag ng isa pang customer.

May customer ding nagreklamo na umabot sa 30 hanggang 120 araw ang sinabing investigation period para sa dispute, habang may iba namang nagsabing hindi agad naaksyunan ang kanilang follow-ups.



Sa isa pang reklamo, may customer na nagsabing nagkaroon ng dalawang P10,000 credit card payments, kung saan ang isa ay matagal na pending at kalaunan ay naging “completed” kahit hindi umano natanggap ng biller ang bayad.

May isa naman umanong nakaranas ng duplicate transaction nang ilang beses, habang may ibang nagreklamo na hindi pumasok sa recipient bank ang isang matagumpay na InstaPay transfer.

May mga customer din na nagsabing na-lock o pansamantalang na-block ang kanilang accounts, dahilan upang hindi nila ma-access o mailipat ang kanilang pera. May iba naman na nahirapang mag-login dahil sa hindi pagtanggap ng OTP.

“My account has been locked and I cannot send any money. Meron po bang nakaexpirience ng ganito? Palagi ko pa naman ginagamit maribank ko, pag ganito nakakatabang na nakakatakot mag lagay ng pera kasi baka di matransfer ung pera,” post ng isang customer.

Marami sa kanila ang nananawagan sa BSP na silipin ang ganitong mga problema sa MariBank at agad hanapan ng solusyon upang hindi maabala ang mga customer.