Advertisers
Sa pakikipagtulungan sa CEBU PACIFIC at TAPTAP SEND para sa darating na kapaskuhan ay bibigyan ng GoTyme Bank ang mga customer ng pagkakataong manalo ng round-trip flights at cash prizes sa pamamagitan ng pagpapadala o pagtanggap ng international remittances gamit ang GoTyme Bank app.
Para sa milyun-milyong Pilipino, higit pa sa isang transaksiyong pinansyal ang pagpapadala ng pera sa pamilya. Isa itong paraan ng pagpapakita ng pagmamahal na nagpapanatili ng ugnayan ng mga pamilya kahit magkakalayo.
Inilunsad ng GoTyme Bank ang “It’s Tyme to Be Together” campaign, isang programa na naglalayong mas mapalapit ang mga pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng pagkakataong makauwi ang mga OVERSEAS FILIPINO WORKERS at makasama ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong holiday season.
Bilang bahagi ng pagpapalakas ng inward at outward international remittance services nito, magsasagawa ang GoTyme Bank ng isang espesyal na homecoming raffle na magbibigay sa mga mapapalad na mananalo ng pagkakataong makauwi sa Pilipinas.
Pinadali rin ng GoTyme Bank ang pagpapadala at pagtanggap ng international funds, na parehong maaaring gawin gamit ang GoTyme Bank app.
Sa raffle, limang grand prize winners ang tatanggap ng round-trip economy flights para sa kanilang sarili at isang kasama, bukod pa sa iba pang premyo na magpapasaya sa kanilang pag-uwi.
Isinasagawa ang promo sa pakikipagtulungan sa Cebu Pacific, ang official airline partner ng kampanya, at TapTap Send, isang nangungunang global remittance provider.
Layunin ng partnership na mabigyan ang mga Pilipino saanmang panig ng mundo ng mas madali at tuluy-tuloy na proseso mula sa pagpapadala ng pera hanggang sa kanilang pag-uwi.
“Banking should do more than just move money—it should bring people closer to the things and the people that matter most,” ani NATE CLARKE, PRESIDENT at CEO ng GoTyme Bank.
Ayon kay CLARKE, bawat remittance ng mga Pilipino sa ibang bansa ay kumakatawan sa kanilang pagsisikap, sakripisyo at pagmamahal para sa kanilang pamilya.
Samantala, sinabi ni MICHELLE EVE DE GUZMAN, MARKETING DIRECTOR ng Cebu Pacific, na ang tahanan pa rin ang nais puntahan ng maraming Pilipino tuwing holidays.
“Home is where Filipinos want to be during the holidays, and at Cebu Pacific, we are proud to play a part in bringing them there,” ani DE GUZMAN.
Tatagal ang “It’s Tyme to Be Together” raffle promo mula Setyembre 16 hanggang Nobyembre 30, 2026.
Kailangang mag-opt in ang mga GoTyme Bank customer upang makasali. Makakakuha sila ng isang raffle entry sa bawat qualifying international remittance na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P5,000, na ipinadala o natanggap nang direkta sa pamamagitan ng GoTyme Bank app.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kampanya at kumpletong promo mechanics, maaaring bisitahin ng mga customer ang official GoTyme Bank app o website nito na www.gotyme.com.ph.
Pinadali rin ng GoTyme Bank ang pagpapadala at pagtanggap ng international funds, na parehong maaaring gawin gamit ang GoTyme Bank app.
Sa pamamagitan ng Send Money Abroad service ng GoTyme Bank, maaaring magpadala ng pera sa mahigit 200 bansa at teritoryo gamit ang walong currency: AUD, CNY, EUR, GBP, JPY, KRW, SGD at USD.
Para naman sa mga Pilipinong tumatanggap ng pera mula sa ibang bansa, maaaring direktang ipadala ang funds sa kanilang GoTyme Bank account sa pamamagitan ng international bank gamit ang SWIFT, mga remittance partner gaya ng TapTap Send, o mga participating Visa partner.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.