Advertisers
NAGHAIN ng petition for bail ang kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan nitong Lunes, Setyembre 28.
Ayon sa ulat, inihain ng kampo ni Romualdez ang petisyon kaugnay ng kinakaharap niyang kasong plunder na may kaugnayan sa umano’y P7.44-bilyong kickback scheme sa mga flood control at iba pang government projects.
Nakatakdang magsimula sa Oktubre 12 ang pagdinig sa kanyang petition for bail, kung saan inaasahang maghahain ng ebidensya ang prosekusyon hinggil sa lakas ng kasong isinampa laban sa dating House Speaker.
Samantala, magtatagal naman hanggang Nobyembre 12 ang bail hearing ni Romualdez, kung saan inaasahang maghahain ang prosekusyon ng nasa 23 testigo, habang tatlo hanggang apat naman ang ihaharap ng depensa.
Habang sisimulan naman sa Nobyembre 23 ang main trial ng kaso. Nasa 73 na testigo ang nakatakdang iharap ng prosekusyon, habang nasa 40 naman ang inaasahang ihaharap ng depensa.
Noong Setyembre 16, nagpasok si Romualdez ng plea na not guilty sa kasong plunder sa Sandiganbayan.