Advertisers
MALUGOD na tinanggap ng House prosecution team ang desisyon ng Supreme Court na ibasura ang mga petisyong kumukuwestiyon sa interpretasyon ng Senate Impeachment Court sa two-thirds voting requirement para sa conviction ni Vice President Sara Duterte.
Pahayag ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, malinaw na ang direksyon ng paglilitis at dapat nang ipagpatuloy ng impeachment court ang proseso hanggang sa paghatol, conviction man o acquittal. Ayon naman kay Akbayan Rep. Chel Diokno na premature ang pagdadala sa SC ng usapin bago magkaroon ng pinal na desisyon ang impeachment court.
Sinabi nina prosecution spokespersons Robert Ace Barbers at Zia Alonto Adiong na makatutulong ang ruling upang maipagpatuloy at makumpleto ng prosecution ang presentasyon ng kanilang ebidensya at pagtatanong sa mga testigo.
Iginiit ni Ridon na dapat manatiling nakatuon ang paglilitis sa ebidensyang inihaharap sa mga senator-judges. Aniya, hayaan nang matapos ang impeachment trial at ang Senate Impeachment Court ang magpasya batay sa mga ebidensyang nasa harap nito.