Advertisers
HINDI kailangan ang hoarding o panic-buying ng bottled water bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng Super El Niño.
Ayon kay Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro, mas mahalaga ang tamang paghahanda sa halip na pag-iimbak ng maraming galon o bote ng tubig.
Ito ay kasunod ng mga ulat na may ilang nag-iimbak ng water supply dahil sa pangamba sa matinding tagtuyot.
Sinabi ni Castro na hindi ito kinakailangang gawin dahil maaari lamang itong magdulot ng pangamba sa publiko at posibleng makaapekto rin sa presyo ng bottled water.
Nilinaw din ng Malacañang na wala namang impormasyon sa ngayon na magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng tubig sa bansa.
Ayon kay Castro, kung nalampasan ng Pilipinas ang epekto ng El Niño noong nakaraang taon, kaya rin itong malampasan ngayong taon sa pamamagitan ng maayos at tamang paghahanda. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)