Advertisers

Advertisers

KAWAYAN, ISASAMA SA HIGH-VALUE CROPS SA BAGONG PANUKALANG BATAS NA ISINUSULONG NI CONG PANALIGAN

0 24

Advertisers

Isinusulong sa Kamara ang panukalang batas na magpapasok sa kawayan bilang high-value crop at industrial crop sa ilalim ng amyendang gagawin sa Republic Act No. 7900 o High-Value Crops Development Act of 1995.

Tinalakay ng House Committee on Agriculture and Food, sa pangunguna ni Rep. Arnan C. Panaligan, ang House Bill No. 11189 na inihain nina Reps. Rufus B. Rodriguez at Maximo Jr. B. Rodriguez.

Layunin din ng panukala na i-institutionalize ang National High-Value Crops Development and Bioeconomy Office and Program upang mapalakas ang mga programa para sa high-value crops, kabilang ang kawayan.



Matapos ang deliberasyon, inaprubahan ng komite ang panukala para sa susunod na proseso sa Kamara.

Ayon sa mga tagasuporta ng panukala, ang pagkilala sa kawayan bilang high-value at industrial crop ay maaaring magbigay-daan sa mas organisadong suporta sa produksyon at paggamit nito sa iba’t ibang industriya. (RONALD BULA)