Advertisers

Advertisers

Guro na nagpainom ng softdrink na may dura sa 2 estudyante, iimbestigahan ng DepEd

0 23

Advertisers

SINISIYASAT na ng Department of Education (DepEd) ang gurong umano’y nagpainom ng softdrink na may halong laway sa dalawang estudyante sa isang pampublikong elementary school sa Mapandan, Pangasinan.

Pahayag ni Education Secretary Sonny Angara, tila mali ang ginawa ng guro ngunit kailangan pa ring sundin ang tamang proseso bago magpataw ng anumang parusa.

Matatandaang kumalat sa social media ang video kung saan inutusan umano ng guro ang ilang mag-aaral na duraan ang isang bote ng softdrink bago ito ipinainom sa dalawa nilang kaklase.



Makikita rin sa video na nagsuka ang dalawang estudyante matapos uminom, habang napaiyak naman ang isa sa kanila.

Dahil dito, nanawagan si Mangaldan Councilor Russel Simorio na agad imbestigahan ang insidente at papanagutin ang mga mapatutunayang may kasalanan.



Samantala, hiniling naman ni Mapandan Councilor Percival Biagtan na agad na mapasailalim sa medical checkup ang dalawang estudyante upang matiyak ang kanilang kalagayan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">