Advertisers

Advertisers

Petisyon sa dagdag-toll sa halos lahat ng expressway, pinag-aaralan ng TRB

0 49

Advertisers

IBINUNYAG ng Toll Regulatory Board (TRB) na halos lahat ng mga expressway sa bansa ay mayroong nakabinbing petisyon para sa pagpapatupad ng dagdag-toll.

Inihayag ito ni TRB spokesperson Julius Corpuz kasunod ng pormal na pagpapatupad noong Miyerkules, Oktubre 28 ng ikalawang tranche ng toll hike sa CAVITEX R-1 Expressway Extension.

Sakop ng naturang price adjustment sa CAVITEX ang rutang nagmumula sa Zapote sa Lungsod ng Las Piñas hanggang sa bayan ng Kawit sa Cavite.



Ayon kay Corpuz, patuloy na sumasailalim sa masusing pagsusuri at proseso ng TRB ang lahat ng mga inihain na petisyon ng mga expressway operators.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">