Advertisers

Advertisers

AFP, iniimbestigahan na ang Air Force data breach

0 22

Advertisers

SINISIYASAT na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang umano’y data breach sa Philippine Air Force. Kaugnay ito ng mga alegasyong kumalat sa internet hinggil sa umano’y pagkakalantad ng mga sensitibong rekord ng mga tauhan ng militar at iba pang administrative documents.

Sinabi ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, patuloy nilang sinusuri ang mga alegasyon sa military cybersecurity units.

Gayunman, hindi pa nakukumpirma kung may mga impormasyong nalantad.



Ayon kay Col. Padilla, minomonitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang libo-libong tangkang cyberattack araw-araw at mayroon silang mga mekanismo upang matiyak ang seguridad ng kanilang mga sistema.

Ang imbestigasyon ay kaugnay sa isang facebook page ng Deep Web Konek, kung saan may isang hacker umanong nakakuha ng mga file mula sa Human Resource Management Information System (HRMIS) ng Philippine Air Force (PAF).



Hindi pa nakukumpirma ng mga independiyenteng pagsusuri kung verified ba ang mga file at ang naiulat na paglabag sa seguridad ng sistema.

Nagsasagawa na ang military group ng forensic investigation upang maberepika kung totoo ang mga ulat upang mas higit pang paigtingin ang mga hakbang sa seguridad ng kanilang sistema.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">