Advertisers

Advertisers

41-anyos na misis, tinadtad ng saksak ng selosong mister patay sa Antipolo!

0 28

Advertisers

Patay ang 41-anyos na ginang ng pagsasaksakin ng selosong mister matapos ipabasa ang mga text message nito sa anak sa Antipolo City.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktima na si alyas “Rosalie 41-taong gulang habang target ng manhunt operation ng awtoridad para mahuli ang suspek na mister ng napatay na biktima.

Nauna rito, pagkatapos kumain ng pamilya dakong 8:45 ng gabi Nobyembre 21, ipinabasa ng suspek sa 21-anyos na anak ang mga text message sa cellphone ng misis.



Dito natuklasan ng hindi marunong bumasang mister na nakikipag usap ang misis (biktima) sa ibang lalaki.

Pumasok umano ang biktima sa kwarto na sinundan ng suspek at dito nauwi sa malagim ng krimen ang mainitang pagtatalo.



Narinig umano ng anak ang sigaw ng ina at nang kanyang silipin hawak ng ama ang isang matalas at sinasaksak sa dibdib ang kanyang ina. (Edwin Moreno)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">