Advertisers

Advertisers

AFP kinumpirma paglapit ng Chinese bomber plane sa karagatang bahagi ng Luzon

0 9

Advertisers

KINUMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mayroong sightings ng Chinese bomber plane malapit sa karagatan ng Luzon o 170 nautical miles mula sa Metro Manila.

Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, na kanilang namonitor ang nasabing Chinese H-6 strategic bomber sa bahagi ng West Philippine Sea.

Dagdag pa nito, na tila ipinapakita ng People’s Liberation Army ang kanilang kalakasan kung saan dati ay malapit lamang ang pagpatrolya ng kanilang bomber planes sa mainland China ngayon ay umaabot na sa Pilipinas.



Ang pinakamalapit na naabot ng nasabing bomber plane ng China ay sa 45 nautical miles na sakop ng ating bansa.

Wala rin aniyang indikasyon na ang nasabing eroplano ay nag-eensayo na ng missile attack.



Naniniwala rin si Trinidad na isang uri laman ng normal patroling ang ginawa ng kanilang H-6 bomber kung saan isinagawa na rin nila ito bahagi ng Scarborough Shoal at sa Bajo de Masinloc.

Nagkaroon na ng modernization ang AFP sa kanilang mga kagamitan kung saan mabilis na nilang namomonitor ang anumang eroplano bago pa man pumasok ito sa exclusive economic zone ng Pilipinas.



Matatandaang ipinagpipilitan pa rin ng China na kanilang teritoryo ang malaking bahagi ng West Philippine Sea.